Pagsusuri ng Tula




Mapanglaw ang mga Ilaw sa CALABARZON
 Pedro R. Ricarte

Kayarian ng Tula
            Ang tula ay nasa malayang taludturan o free verse sapagkat ang bawat taludturan ay walang sinunod na sukat at walang tugma.

Teoryang Pampanitakan
            Ang tulang ito ay pumapaloob sa Teoryang Sosyolohikal. Ang teoryang ito ay nagpapakita ng kalagayan at suliraning panlipunan ng lipunang kinabibilangan ng may akda o ng mga tauhan.Masasalamin sa tula na ang tauhan ay isang magsasaka.

Patunay/Sitwasyon sa Tula

            “Tumanaw siya sa gawing silangan;
            Kaylawak ng lupaing itong pinagyayaman
            Ng marami pang katulad niya
            Ngunit ipinagbibili na ng mga may-ari
            May mga bukid na nasimulang tambakan
            Pero umaagos pa sa mga padaluyan
            Ang patubig ng gobyerno”

            “Wala siyang namumuwangan sa kabuhayang-bansa
            Hindi niya kayang gagapin kung bakit at papaano—
            Nadarama lamang niya—ang malaking panghihinayang
            Pangungulila sa pagkawala ng mga berdeng lupain
            Na kaygandang pagmasdan, kay timyas bungkalin


Ang Babae sa Pagdaralita
Joi Barrios

Kayarian ng Tula
            Ang tula ay nasa malayang taludturan o free verse sapagkat ang bawat taludturan ay walang sinunod na sukat at walang tugma.

Teoryang Pampanitikan
            Ito ay pumapaloob sa teoryang Feminismo at Sosyolohikal. Feminismo sapagkat naipakita sa tula ang kalakasan at mga kakayahan ng isang babae .Sosyolohikal sapagkat naipakita din ang kalagayan at suliraning panlipunan ng lipunang kinabibilangan ng may akda o ng mga tauhan.

Patunay/Sitwasyon sa Tula

Teoryang Feminismo
           
            “Nasa ating mga babae ang pakikibaka !
            Kung paanong sa gabi at araw
            ay wala tayong humpay sa paggawa
            Kung paanong  magkasabay na lumalaban at nag-aaruga
            Matibay ang dibdib pagkat mapagkalinga ang ating pag-ibig
            Sulong at makibaka!

Teoryang Sosyolohikal

            “Babae akong sinasakmal ng kahirapan.
            Kahirapang mistulang
            Ahas sa damuhan,
            Maliksi ang galaw,
            Nagbabadya ang nakasangang dila,
            Makamadag ang kagat.
            Pumupulupot ang ulupong,
            Itong paghihikahos, sa aking katawan,
            At tumatakas ang lakas.”


Sandaang Hakbang Papuntang Malakanyang
Frank Cimatu

Kayarian ng Tula
            Ang tula ay walang sukat subalit may tugma.

Teoryang Pampanitikan
            Ang tulang ito ay pumapaloob sa teoryang Realismo, nagpapakita ito ng  mga karanasang nasaksihan ng may-akda sa kanyang lipunan.Samakatwid ito ay hango sa totoong buhay ngunit hindi tuwirang totoo sapagkat isinasaalang alang ng mat akda ang kasiningan at pagkaepektibo ng kanyan sinulat.

Patunay/Sitwasyon sa Tula
            “Magsasakang
            Nakadala’ ng
            Sundang
            Nagbubulagang
            Peryodistang
            Walang
            Kinikilingang
            Kumikinang
            Hanggang
            Walang
            Itinitimbang
            Ang
            Kasamang
            Kabataang
            Pinunta’ng
            Sasakyang
            Nagwawangwang
            Nagsisigawang:
            “Tang
            Inang…”
            Pinompiyang
            Habang
            Ginigisa ng
            Paratang”


Mga Komento